Friday, February 18, 2005

pampagulo ng aking isipan.

noo'y kontento na ako sa buhay na hindi pangkaraniwan lalo na't sa aking mga kaibigan. akala ko'y sila lang nakakakita noon at lagi kong pinabubulaanan ang kanilang mga sinasabi. pero dumating ka, at saka ko nalaman na tama pala sila. hindi pala tama itong ginagawa niya sa akin. hindi ako masaya, hindi ganito ang tama para sa akin. ipinakita mo sa akin kung paano magpahalaga, mag-alaga at siguro paano magmahal. naramdaman ko kung paano maging mahalaga uli, kung ano ang saya pag magkasama tayo. totoo nga, chivalry is not dead. utang ko sayo itong saya ko ngayon sa gitna ng malaking pagsubok. utang ko ang mga ngiting lumalapat sa aking mga bibig pagkatapos ng mga luha. utang ko ang aking katinuan ng isip sa gitna ng mga kabaliwan sa mundo ko. u make my world sane, and i cant thank you enough for that. hindi ko nga lang kayang ibalik sayo lahat...at sana mapatawad mo ako sa oras na malaman mo.

No comments: