Monday, May 23, 2005

ytrne glob

ayan maglalagay nnamn ako ng entry. sobrang hectic ang mga araw ko ngayon. kabagi ang nakaranas nanaman ako ng sarili kong version ng "migraine". ang sakit tlga ng ulo ko. nagugutom pa ako.
kinakatakutan ko na ang june 4. baka hindi matupad ang mga nais matupad. baka hindi dumating ang mga nais dumating. baka hindi pa ako umabot sa araw na iyon.
hindi naman tlga june 4 ang kaarawan ko. baka sa tunay kong bertday ay walang makaalala. naku poh.
wala pa akong gagawin sa debut ko. sino ba makakapagturo sakin kung pano kumain ng apoy? bigyan nyo ako ng instant talent.
naaawa na ako sa nanay ko. inaasikaso niya itong debut ko tapos may trabaho pa sha. sana matapos na ito. ang tanging consuelo ko nalang ay ang mga kaibigan ko na darating dun.
nais ko nang maiyak kagabi. lahat ng ginagawa ko ay palpak. may mali lagi. sobrang nasstress na ako. nagkakaroon na ako ng mga bangungot tungkol sa magiging kalabasan ng debut ko. hindi ko inisip na ganito kahirap. to the point na magbbreak down pa ako.
ayoko na makarinig ng problema. pls. huwag muna.
shoutouts:
ninong- sorry kagabi. nainis nga ako. wala kasi ako sa mood magjoke. hindi ko kayang sakyan ung sinabi mo kagabi. pasensya na. masakit na ulo ko kasi. nagonline nga lang ako para makausap ka.
coldblood- salamat. sana nga'y makapunta ka. pero wag mag-alala, maiintindihan ko kung hindi mo kaya.

No comments: