Saturday, August 13, 2005

wahihwahsiha

several aspects of my life are falling apart now. haay... acads ko ay sobrang baba. hindi ko inisip na ganito kahirap. hindi naman ako nagkulang sa pag-aaral. haay. bawi nalang tlga. only consolation nalang ay hindi lang ako nagkakaganito.hindi ako nag-iisa. san kaya ako puwede magshift?

nahihirapan na ako sa aking nararamdaman. hindi ko kayang magalit sa kanya. pero siya ang dahilan kung bakit nagkaganyan ka. i have nothing against her. haay. hindi ako nagseselos, hindi ako nagiinggit. nais ko lamang ang iyong kaligtasan. habol ko lamang ang iyong kapakanan. siguro kung saan ka masaya, doon ako'y malungkot naman. wala narin namang akong magagawa. hindi mo na ako pinapakinggan. alam mong bihira lamang akong umiyak. at sa pagkakataong ito, ako'y napaluha mo. huwag ka lamang niyang sasaktan. at yung sinalihan mo...kung hindi ilalayo kita at hindi ka na nila makikita.

-sa tuwing nakikita kita, nakikita ko ang iyong dinadamdam. pilit mo kasing tinatago. pilit kinukulong. sa bawat pagkakataon na magmamahal ka, umaayaw ka. lumalayo ka. mahirap yan. huwag mong paglaruan ang iyong puso. kung kaya ng iyong isip na kontrolin ang iyong nararamdaman, bakit ngayon ay bumabalik siya sa iyong gunita?

hindi naman sa malungkot ang buhay ko ngayon kaya puro sad ang aking sinusulat. sa kabila nitong lahat, may nagddulot parin sa akin ng saya. ang Dota (hahaha) at siya.

No comments: