haay ang tagal ko rin hindi nakakapagsulat dito. kaya't i think it's high time for a new template wehehe. well actually its not a new one, eto yung dati kong template binalik ko lang. hindi ko alam kung bakit pero i feel refreshed to have a simpler template to write on. may nagsabi sa akin na ang tagal ko na daw hindi nagsusulat sa blog, siguro ay wala na akong problema. alam kong hindi totoo ang sinabi niyang iyan, pero naapektuhan parin ako. ang problema, hindi nawawala iyan. we make our own problems. lalo na ako mahilig mamroblema. pero bakit nga ba nawala na ako dito, tunay nga bang puro problema lang ang dapat isulat sa blog? (baka siya hahaha) siguro ako ang nawala. ako lang ang tinamad. sa sobrang pagod sa araw2 noong 1st sem, wala na akong lakas upang pumunta ng lib annex at magkuwento ng buhay ko. ngunit hindi ko man naisusulat sa papel, naitatatak ko naman sa isipan ko.
Sembreak na!...and i say that with so LESS enthusiasm. ang boring ng sembreak ko. nasa bahay lang ako, nanunuod ng tv,natutulog at nagpapakataba (pero hindi parin eh! ) and to top it all off nagkasakit pa ako nung isang araw. hari (reyna) ng sablay talaga ako! ang sarap sigurong umuwi sa probinsya mo pag sembreak, naiinggit ako sa ilan kong blockmates. ang dami siguro nilang ginagawa doon. beach, tambay, gimik with former friends. samantalang ako'y hindi naaarawan dito. hehe. pag dating ng pasukan, ako nalang ang maputi. lahat sila tan. marka ng isang beach-filled vacation. pero ayos lang naman sa akin ang buhay baboy kong ito. basta't kasama ko kapatid ko, ayus na.
Nakikinig ako ngaun kay James Blunt "You're Beautiful". Hay salamat James. I think you're fine too. hehe. napapasenti nnman ako lately. hindi ko alam kung bakit. siguro gusto ko lang maramdaman ang lungkot at ang sakit kahit sandali lang sa pamamagitan ng kanta. it's not my fault that im an emotional void. i still have that longing to feel the pain he caused me. i havent fully felt it yet. or maybe i have, but the void in me is greater it just ate it all up. "cause I'll never be with you." I'm beautiful. (please don't sue me.) =)
another thing that's been bothering me is that i've become a realist. i don't believe in destiny, fate and all that crap. and maybe i never did. but he believes in it...and this bothers me. or more specifically, it bothers me that maybe it'll bother him. i want to share his dreams and prophecies about us, but i just can't. i don't want to stare too far into the future and already place him there. it would hurt too much if it wont come true. i'd rather go my way alone and see him at the end rather than have him with me all the way but not in the end. siguro iniisip nya na "ano ba naman tong babaeng to, walang kasweetan sa katawan niya." oo nga. wala. haay. my love is just this. this is it. (hehe.)
Tama na ang senti moments. Naaddict narin ako sa Numa Numa! Kung sino ang makakapagturo sa akin ng sayaw ni Chicken Little ay babayaran ko ng uhm....chicken strips. hehe. ang hirap kasi ,hindi ko magawa =(
Sayaw nalang tayo. Maya hee! Maya hoo! Maya haha!
1 comment:
gino here
tama, "you're beutiful," the best talaga si james blunt
mabuti naman at buhay na naman ang blog mo
'till next semester
Post a Comment