nakatingin nanaman ako sa palabok fiesta na inorder ko. walang imik ka nanaman. nakatingin sa labas...nag-iisip tungkol sa mga bagay na hindi ko alam. kanina ko pa hinahalo itong pagkain ko...mukhang napaglaruan na ng bata. nakahiwalay ang itlog at hipon at natira nalang ang noodles at sarsa. kung bakit mo ako hindi kinakausap ay hindi ko alam. 5 minuto na...kanina ko pa tinitignan ang oras sa celphone ko. ang bagal. nakakainip. gusto kong magsalita pero ayaw lumabas ng mga salita. para bang nawalan ako ng boses. parang tinatamad ang bunganga ko na bumuka. dapat ikaw ang mauna. dapat ikaw ang maunang magsabi ng "uy...anu nangyari sayo.." lagi ka namang tahimik eh. lagi kang walang pakialam. ayoko na maging madaldal. nais ko nalang din maging tulad mo. walang kuwento. walang imik. lumipas nanaman ang isang minuto kakahalo at kakatingin sa palabok ko. hindi ko nauubos...dahil sa totoo lang ay ayoko na. gusto ko kausapin ka. gusto kong malaman ang nasa isip mo, ang nasa saloobin mo. naririnig ko lamang ang aking boses na sumisigaw sa loob..."Kausapin mo ako!...kausapin mo ako..." hindi ko masabing kulang na ang mga panahon. bilang na ang mga ganitong pagkakataon. isa nanamang minuto ang nasayang...kapag nangyari ang mangyayari...nanaisin mong sana kinausap mo nalang ako. 3 beses nanamang tayong umikot sa mall nang walang ginagawa. ni hindi man lamang nag-uusap. basta't naglalakad lang. not minding the presence of each other. sa totoo lang ayoko na ng ganun. nakakatamad. nakakapagod. nakakarindi ang katahimikan lalo pa't matagal na tayong hindi nag-uusap. may iilang pagsabi nang "uy.." pero walang ung masasabing may substance. minsa'y pinipilit ko nalang ang sarili ko na magkuwento ...na patawanin ka...pasalitain ka. nakakapagod dahil kailangan ko pang gawin iyon...tulad ng pag-ubos dito sa kakapirangot na palabok na naiwan sa plato ko.
I like this version better...
No comments:
Post a Comment